Wednesday, 28 December 2011

MGA PAGKAIN PARA SA PUSO

HETO ang listahan ng pagkaing mabuti sa ating puso at ugat. Damihan ang pagkain nito para maging healthy.


1. Matatabang isda tulad ng tuna, tamban, tilapia, sardinas at salmon. 
Sagana ito sa omega-3 fatty acids na nagpapaluwag ng ugat sa puso at utak.


2. Oatmeal.
May sangkap itong omega-3 fatty acids, magnesium, potassium, vitamin Bs, calcium at fiber. Kapag kumain ka ng oatmeal bawat umaga, siguradong malaki ang ibababa ng iyong cholesterol. Subukan ninyo.


3. Saging. 
May bagong kasabihan na “Two bananas a day will keep the doctor away.” May potassium, vitamin C, tryptophan at carbohydrates ang saging. Mahalaga ito sa pasyenteng may altapresyon at umiinom ng maintenance na gamot sa puso. Pero ang saging talaga ay para sa lahat.


4. Kamatis, karrots, kamote at kalabasa. 
Ang 4Ks na ito ay mataas sa beta-carotene, lycopene, vitamin C at potassium. Maganda ito sa mata at sa puso.


5. Monggo beans.
Mataas ito sa protina, vitamin B, magnesium, omega-3 fatty acids, calcium at fiber. Pampalakas ito ng katawan at abot-kaya pa!


6. Mani, tulad ng almonds at walnuts. 
Ang mani ay may good fats, vitamin E, magnesium at fiber. May tulong ito sa puso, ugat at balat natin. Kumain ng isang dakot lang at hindi isang bowl. Piliin iyung mababa sa asin (low-salt).


7. Tofu, tokwa at soy milk. 
Mataas ang mga ito sa protein, niacin, folate, calcium at potassium. Ang protina ng tokwa ay mas healthy at hindi nakatataba kumpara sa protina ng karneng baboy at baka.


8. Spinach at broccoli. 
May sangkap ito na lutein, vitamin Bs, magnesium, potassium, calcium at fiber. Kung si Popeye ay lumalakas sa spinach, subukan din natin kumain ng spinach. Hindi ako nagbibiro. Mabuti ito sa tiyan, katawan at puso. Nagpapasaya pa ito at pinapaganda ang ating emosyon.


9. Bawang (Garlic). 
Ang bawang ay may sangkap na allyl sulfides na tumutulong magpababa ng ating kolesterol at blood pressure. Lutuin ng bahagya ang 2-3 pirasong bawang. Huwag sunugin dahil mawawalan ito ng epekto. Mag-ingat lang sa pananakit ng sikmura sa sobrang pagkain ng hilaw na bawang.


10. Dark chocolate. 
May espesyal na sangkap na res veratrol at flavonoids ang ma itim na tsokolate. May posibilidad na ang resveratrol ay puwedeng makapagpabata sa atin. Mas healthy ang dark chocolate kumpara sa milk cho colate, na puro gatas at ma baba sa cocoa. Kumain ng 1-2 piraso lang para hindi tumaba.

No comments:

Post a Comment

Post a Comment